Sunday, April 3, 2011

SI JAN JAN, SI WILLIE, ANG SOBRANG PAGPILIT NG INGLÉS AT KAHIRAPAN

(For English Translation, se below)
THE PRESENT SOCIAL CANCER AND THE PRESENT REIGN OF GREED (2)
(Para la Traducción Española, mire más abajo)
EL ACTUAL CÁNCER SOCIAL Y EL FILIBUSTERISMO (2)

SI JAN JAN, SI WILLIE, ANG SOBRANG PAGPILIT NG INGLÉS AT KAHIRAPAN

Bago sana humiyaw ng “child abuse” ang mga sumusulat sa wikang Inglés, siniyasat muna nila bakit sumayaw ng burliesk si Jan Jan sa telebisyon ni Willie.



Sino ba ang nagturo kay Jan Jan na sumayaw ng ganon? At bakit pumayag naman ang mga magulang nito sa ganong sayaw?

Mag-isip isip naman tayo.

Bilang isang batang Pilipinong de seys anyos, bakit biglang sumayaw si Jan Jan ng isang sayaw na hindi Pilipino.

Sagot: Dahil itong seis años na si Jan Jan tinuruan na sumayaw alinsunod sa culturang Kano. Americanized. Stateside. Blue seal. Phil-Am. Twang.

At hindi lamang yan, tinuruan siya na sumayaw ng isang malaswang sayaw na hindi Pilipino at hindi dapat sayawin ng isang musmos, o menor de edad, na Filipino na de seis años ang edad.

Pero yung sayaw na Burlisk Kano ang sinayaw ni Jan Jan.

(At a la Macho Dancer at Gay Bar pa!.)

At yun ang dahilan kung bakit natatawa ang mga dumalo sa Wiling Willie. Bagamat hindi nila napansin, naisalamin sa kanila ni Jan Jan ang mababang culturang Kano na sumasakop sa kanila sa kasalukuyan dahil tinataguyod itong mababang culturang Kano ng mismo nating Sistema sa Educación kasama ng pagpilit ng wikang Inglés sa lahat.

At ganon ang nangyari dahil hindi tinuruan ng tama itong si Jan Jan sa sariling tahanan o sa iskuewelahan na kanyang pinapasukan.

Huwag din nating kalimutan na sa mga paaralang Filipino ang unang pinipilit ay ang pagsalita ng Ingles at ang pagsunod sa culturang Kano sa larañgan ng música, canta at sayaw.

Sa madaling sabi, ang culturang Filipino, wala sa paliguiran ni Jan Jan. Puro kulturang Kano at Inglés ang binubugbog sa paliguiran ni Jan Jan at ng lahat na kabataang Filipino na pumapasok sa mga pampublikong paaralan.

Sa kabilang dako naman, ang programa ni Willie Revillamé ay ganon, ----nagbibigay ng pera sa mga taong magpapamalas ng talento o ng pinag-aralan nila.

Pero, kung tuusin ang talento na nilalabas ng karamihang Filipino sa programa ni Willie ay maka-Kano. Bihira ang maglabas ng talentong maka Filipino o talento na mulá sa culturang Filipino. Kasi, yun daw ang gusto ng masa natin.

Ang masama pa dito ay ang agad na pagkondena ka Willie. Maysala na daw na Child Abuse o Pagaabuso sa Bata si Willie.

Hindi sa ipinagtatanggol naming si Willie. Pero kung talagang tuosin, sumusunod lang naman si Willie sa “kulturang Kano” na pinipilit ng DEP ED at CHED sa buong kabataang Pilipino. Dahil diyan ng sumali si Jan Jan burlisk Kano ang agad pinalabas.

Ang Tunay na salarin dito, o yung tuna na may salang CHILD ABUSE, ay ang pumipilit sa mga musmus sa elementarya na gumamit ng Inglés maski hindi ito ang wikang natural ng kanilang katutubong komunidad. At kasama sa pagpilit ng wikang Inglés, pinagpipilit din ng kulturang Kano mulá sa mismong medya at sa mismong mga may pera at nay kapangyarihan sa kasalukuyang lipunan natin.

Embes na wikang katutuob, Tagalog, Cebuano, Ilocano, etc., and gamitin sa mga paaralang elmentarya bilang wikang panturo kasama ng kulturang Pilipino, ang kulturang Kano ang dinidiin sa mga baiting na iyon.

Ito ang tunay na CHILD ABUSE dahil hindi inieduka ang batang Filipino, tulad ni Jan Jan, na maguing Pilipino sa salita, sa kultura at sa sayaw.

Ang dapat gawin naman ni Willie Revillamé bilang katogunan sa walang kataruñgan na pagkondena sa kanya ay ang pagbawas sa programa niya ng impluwensiyang Kano at ang pagdagdag diyan ng culturang Pilipino. Total Filipino naman ang kanyang mga manonood.

¿Ano kaya kung si Willie Revillamé maguing takipagtaguyod ng tunay na culturang Filipino at makuha niyang maideku ang mga masa natin na maguing Pilipino sa canta, sayaw, salita at asal?

Unti unti sanang baguhin ni willie ang mga número niya sa sayaw at canta sa kanyang programa at palitawin din ang sining Filipino. Maliban diyan, puede ring palitawin ni Willie Revillamé pati ang culturang Latino ng mga Filipino sa pamaguitan ng mga kanta sa wikang Español para maibigyan din ang kanyang programa ng “Latin Touch” na siya na ring sinusunod sa mismong Estados Unidos.

Ang nangyari kay Jan Jan sa kanyang pagsayaw ng burlisk nagpapakita na panahon nanang bawasan ang sobrang culturang Kano na binubundol sa ating walang malay na kabataan.

0 comments: